MANILA, Philippines – Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pag-iwas sa nakakahawang sakit na Human Immunodeficiency Virus o HIV.
Ayon sa DOH mayroon nang 338 HIV care facilities sa bansa na libre ang serbisyo.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ay ang mga sumusunod;
-HIV screening at testing
-Confirmatory testing
-Antiretroviral therapy o ART
-Counselling
-Combination Prevention Methods
Paalala ng Kagawaran kung sakaling magingĀ reactive, bukas ang DOH-HIV care facilities para sa treatment at counselling.
Ayon pa sa DOH hind death sentence ang HIV.
Paalala pa ng DOH sa publiko na alamin ang kanilang status sa HIV treatment hubs at primary HIV care facilities. Jocelyn Tabangcura-Domenden