Home METRO Libreng legal assistance alok ng mga estudyante ng Manila Law College

Libreng legal assistance alok ng mga estudyante ng Manila Law College

MANILA, Philippines- Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na libreng payong ligal ng mga mag-aral ng Clinical Legal Education Program 1 ng Manila Law College sa magkahiwalay na lugar sa Sta. Mesa at Paco sa Lungsod ng Manila sa patnubay ng mga professor na sina Attys. Mike Antiga, Cyril Lubaton, Madel Tesoro, Renjomar Baltazar, at Jayson Raposas.