Home OPINION EPD TOP COP KONTI SALITA PURO GAWA

EPD TOP COP KONTI SALITA PURO GAWA

PINAIGTING ng Eastern Police District ang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation sa apat na siyudad na nasasakupan nito mula unang araw ng 2025 hanggang Enero.

Kaya naman naging matagumpay ang SACLEO ng apat na police stations – Mandaluyong, San Juan, Pasig at Marikina na sa pamumuno ni PCol Villamor Tuliao, miyembro ng Philippine National Police Academy Class ’96 o Kaagapay class.

Sa loob ng tatlong araw na operasyon at pagpapaigting sa kampanya laban sa iligal na droga at iba pang krimen, nakakumpiska ang EPD ng marijuana, shabu at pagkakaaresto ng 23 kataong pawang may kaso kabilang ang isang top most wanted person, isang most wanted person at 17 iba pa na sangkot sa iba’t ibang klaseng krimen.

Gayunman, magtutuloy-tuloy ang ginagawang manhunt operation ng mga tauhan ng EPD sa pamumuno ni Tuliao, na hindi maikakailang kilalang “Batang Tondo”, sa mga taong lumabag sa batas.

Maging ang mga taong nahuhumaling sa sugal ay hindi pinalagpas ng mga tauhan ni Tuliao kaya umabot sa 18 indibidwal ang naaresto sa illegal gambling habang isa ang nahulihan ng baril.

Ayon kay Tuliao, magtutuloy-tuloy ang kanilang operasyon laman sa iba’t ibang iligal na gawain sa kanyang nasasakupan at mas paiigtingin ang police visibility, checkpoint at operation “oplan bakal” bilang paghahanda na rin sa parating na May Midterm Elections 2025.

Ang maganda rito sa aking kapwa Batang Tondo ay hindi niya sinosolo ang kredito sa halip sinasabi niya na hindi magiging matagumpay ang operasyong ginagawa ng EPD kung hindi tapat at responsable ang kanyang mga tauhan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad na kanilang nasasakupan at pinagsisilbihan.

Iginiit nitong si Tuliao na ang kanilang mga police operation ay hindi hihinto hangga’t may mga taong patuloy na gumagawa ng krimen at hindi maganda sa kanilang nasasakupan.

Pangunahing adhikain nitong EPD chief ay ang labanan ang pagkalat ng droga sa pamayanan sapagkat malaki aniya ang epekto nito sa bawat pamilya lalo na sa mga kabataan. Siyempre, kapag nga naman may isa sa pamilya na sangkot sa droga, buong pamilya ang apektado.

Ganoon din ang kanyang pahayag pagdating sa iligal na sugal. Malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng pamilya at bayan. Kaya hangga’t maari ay nais niyang matigil ang operasyon ng mga iligal sa kanyang nasasakupan kaya naman panay-panay ang paalala niya sa kanyang mga tauhan na gawin ang kanilang trabaho upang mas lalong magtiwala ang taumbayan sa mga pulis.

Hindi masyadong masalita itong si Tuliao pero sinisiguro niya na walang puwang sa Metro East ang mga kriminal kaya tuloy-tuloy ang trabaho ng mga pulis ng apat na siyudad.

Kaya dapat lang na sa pagpasok ng 2025, ang mga katulad ni Tuliao na pawang may mga accomplishment ay mapansin na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang malaglag na ang pinakamimithing estrelya sa balikat.