MANILA, Philippines- Sisimulan na ngayong araw, Enero 6 ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin para sa 2025 Midterm elections.
Sinabi ng Comelec na gagawin ang pag-imprenta sa National Printing Office (NPO) na tatagal ng 77 araw.
Ito na ang gagamitin ng 74 milyong rehistradong botante sa bansa.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, target nilang matapos ang imprenta hanggang Abril 14, 2025 bago ito ipadala sa iba’t ibang probinsya at mga embahada.
Nitonfg Sabado, ipinasilip na ng Komisyon sa mga election watchdog pati media ang ballot face o mukha ng balota na gagamitin sa 2025 Midterm election.
Sa nasabing ballot face, nakalagay ang final list ng mga kandidato kung saan hindi na isinama ang mga nadiskwalipika. Jocelyn Tabangcura-Domenden