Home NATIONWIDE Libreng Sakay ng OVP, tuloy sa Metro Manila ‘gang Nov. 18

Libreng Sakay ng OVP, tuloy sa Metro Manila ‘gang Nov. 18

1
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang Libreng Sakay Program ng Office of the Vice President (OVP) sa Metro Manila mula Lunes, Nobyembre 16, hanggang Miyerkules, Nobyembre 18, 2026, sa kabila ng idineklarang special non-working days dahil sa 49th ASEAN Summit.

Ayon sa advisory ng OVP, layunin ng pagpapatuloy ng programa na makatulong sa mga commuter na makatipid sa pamasahe at mapagaan ang kanilang araw-araw na biyahe.

Kasabay ito ng pagdaraos ng ASEAN Summit at mga kaugnay na aktibidad na inaasahang makaaapekto sa daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Nauna nang idineklara ng Malacañang ang Nobyembre 16 hanggang 18 bilang special non-working days sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Proclamation No. 1447 upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko at matiyak ang seguridad ng mga delegado.

Inilunsad ang OVP Libreng Sakay Program noong Agosto 2022 upang magbigay ng libreng transportasyon sa mga manggagawa, estudyante at iba pang commuter.

Pinayuhan ang mga pasahero na sumangguni sa mga opisyal na anunsiyo ng OVP para sa mga ruta at iskedyul ng biyahe. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here