Home METRO #LibrengSakay para sa mga beterano sa MRT-3, LRT-2 aarangkada sa Abril 5-11,...

#LibrengSakay para sa mga beterano sa MRT-3, LRT-2 aarangkada sa Abril 5-11, 2025

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at ng Light Rail Transit-2 (LRT-2) nitong Huwebes na mag-aalok sila ng libreng sakay sa war veterans at kanilang mga kasama mula April 5 hanggang 11, 2025 sa pagdiriwang ng 83rd Day of Valor at Philippine Veterans Week. 

Upang maka-avail ng libreng sakay,  dapat ipakita ng mga beterano sa security personnel sa ada istasyon ang kanilang valid ID mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).

Gugulong ang libreng MRT-3 rides mula 4:30 am hanggang 10:30 pm sa North Avenue Station, at mula 5:05 am hanggang 11:09 pm sa Taft Avenue Station.

Samantala, ang libreng sakay sa LRT-2 para sa mga beterano at mga kasama nila ay gugulong nang buong araw sa nasabing linggo.

Gayundin, sinabi ng LRT-2 na mag-aalok ito ng libreng sakay sa publiko sa April 9 mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. RNT/SA