Home METRO 4 container vans na may kargang ‘smuggled goods’ nakumpiska sa NCR, Bulacan

4 container vans na may kargang ‘smuggled goods’ nakumpiska sa NCR, Bulacan

MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga awtoridad ang apat na container vans na umano’y may kargang smuggled goods sa mga warehouse sa Parañaque, Valenzuela at Bocaue, Bulacan nitong Huwebes.

Ayon sa pahayag nitong Huwebes, tatlong search warrants ang ipinatupad para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Nag-ugat ito sa reklamong inihain sa Office of the Special Envoy on Transnational Crime, na kalaunan ay inendorso sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para sa imbestigasyon.

Nagmula ang container vans sa Port of Manila. Naglalaman umano ang mga ito ng misdeclared, undervalued at misclassified goods.

“The misdeclaration of goods not only constitutes a violation of law but also undermines fair trade and economic stability. Authorities are continuing their investigation, and appropriate legal action will be taken against those responsible,” pahayag ng PNP-CIDG. RNT/SA