Home METRO P10.2M tobats nasabat sa buy-bust

P10.2M tobats nasabat sa buy-bust

MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga awtoridad ang P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu at nadakip ang isang drug suspect sa Dasmariñas, Cavite, base sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes.

Sinabi ng PDEA na isinagawa ang buy-bust operation nitong Martes na nagresulta sa pagkaaresto sa isang 30-anyos na lalaking kinilalang si alyas “Sian.”

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Inihayag din ng PDEA na natagpuan ang hinihinalang shabu sa plastic bags na may timbang na halos 1.5 kilo.

Nakumpiska rin ang cellular phone, buy-bust money, drug paraphernalia, at rental document mula sa suspek sa operasyon.

“Based on our data po, shabu is the most prevalent drug na ginagamit po rito sa atin. At saka base rin ho sa mga datos ng ating mga confiscation, shabu rin ho iyong karamihan ho na ating nakukumpiska doon sa ating mga buy bust operations and search warrant . Pumapangalawa na ho itong marijuana,” pahayag ni PDEA spokesperson Joseph Frederick Calulut, matapos ianunsyo noong nakaraang buwan na halos 30,000 sa 42,045 barangay ang malaya na sa ilegal na droga. RNT/SA