Home HOME BANNER STORY Libu-libong trabaho, aasahan sa bagong ecozones sa Batangas, Iloilo

Libu-libong trabaho, aasahan sa bagong ecozones sa Batangas, Iloilo

222
0

MANILA, Philippines – Libu-libong bagong trabaho sa manufacturing at IT ang inaasahang malilikha matapos aprubahan ni Pangulong Marcos ang mga bagong at pinalawak na special economic zones sa Batangas at Iloilo, ayon kay Executive Secretary Ralph Recto.

“The new ecozones reinforce the Marcos Jr. administration’s push to disperse investments beyond Metro Manila, bringing economic opportunities closer to Filipinos,” sabi ni Recto.

“Ibig sabihin, mas maraming trabaho ang naghihintay sa Batangas, Iloilo, at mga kalapit na lugar. Mas lalakas ang ekonomiya sa mga probinsya, at tuloy-tuloy ang pag-angat ng kabuhayan ng ating mga pamilya,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1127, ilang lupa sa Barangays Pagaspas at Trapiche sa Tanauan City, Batangas ay isinama sa First Industrial Township–Special Economic Zone (FIT-SEZ), na may 14 PEZA-registered enterprises at 1,634 empleyado.

Ang pagpapalawak ay inaasahang magdadala ng P1.5 bilyong bagong investments at 1,850 karagdagang trabaho.

Samantala, ang Proclamation No. 1128 ay nagtatag ng Atria Gardens, isang bagong IT Park Special Economic Zone sa Barangay San Rafael, Mandurriao District, Iloilo City.

Inaasahang magdadala ito ng P550 milyong investments at 2,200 trabaho, na lalong magpapalakas sa Iloilo bilang IT at business hub.

Ang mga ecozones ay nagbibigay ng fiscal at non-fiscal incentives sa mga negosyo at sumusunod sa Republic Act No. 7916 at RA 8748, batay sa rekomendasyon ng PEZA Board of Directors. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here