BAGO ang lahat, luma na ang aking bunsong anak na si SANTI LEAN PASCUAL V na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong ika-11 ng Nobyembre, 2024. Happy birthday my dear jewel. Stay humble, honest, helpful, kind, patient, and loving. I LOVE YOU SON.
* * *
MAGBABALIK sa White House si Donald Trump matapos manalo laban kay Kamala Harris sa katatapos ng United States presidential elections.
Binati na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Trump sa pagkapanalo nito bagaman mas pabor ang una sa Democrat leader na si Harris. Wala siyang magagawa, kamalas si Harris habang triumphant ang Republican na si Trump.
Bali-balita na naunang bumati si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkapanalo ni Trump na naging maganda ang relasyon noong ang huli pa ang POTUS (president of the US) noong administrasyon pa ni Digong.
Naniniwala ang administrasyon ni Pangulong Marcos na magiging maganda ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos sa pagkapanalo ni Trump.
Sa kampanya pa lang ni Trump, sinabi na nito na aayusin niya ang problema ng Estados Unidos. Unang-una na ang ekonomiya, pangalawa ang foreign policies. Malaki ang problema ng United States kung ekonomiya at batid iyan ng mga mamamayan nito pero siyempre sa mata nating mga wala sa kanilang bansa, mataas ang tingin natin sa kanila at naniniwala tayo na asensado sila.
Sa Pilipinas, maraming dapat na ayusing problema ang mga opisyal ng pamahalaan tulad ng ekonomiya, peace and order, employment, foreign policies at maraming iba pa.
Hanggang ngayon, mataas pa rin ang presyo ng bigas, produktong petrolyo at iba pang bilihin. Nangako si PBBM na pabababain ang presyo ng bigas pero hindi naman nila binanggit kung magkano. Ngayon, sa halip na bumaba ang presyo ay lalo pang tumaas at isinisisi sa pananalasa ng mga bagyo.
Anong klase bang opisyales ang mga iyan na isinisisi ang problema sa iba? Kung talagang tapat at totoong lider ang mga ito, mag-iimbestiga sila sa totoong dahilan ng mga problema at aakuin ang responsibilidad at hindi ipapasa sa iba.
Walang humpay ang imbestigasyon ng iba’t ibang komite ng pamahalaan kaugnay sa naganap na war on drugs, extrajudicial killings at POGO sa panahon ni dating Pangulong Digong pero ang mga korap na sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan kung kaya’t nagkahetot-hetot ang mga proyekto ng pamahalaan para sab aha ay hindi nila iniimbestigahan. Bakit? Kasi nga, sila-sila rin ang tatamaan!
Si ex-PRRD, nang imbestigahan ng Senado, hindi ipinasa ang kasalanan sa mga taong nasa pamumuno niya at sa halip inako ang responsibilidad. Ganyan sana ang mga lider ng bansa natin.
Kaya dapat, mag-ingat na ang mga kasalukuyang lider sa darating na 2025 midterm elections dahil baka hindi na sila iboto ng taumbayan lalo na ang mga pulis at sundalo. Bakit? Wala naman kasing tibay na aasahan sa kanila. Sa halip, ipagkakanulo pa niya ang mga taong nasa serbisyo na walang ginagawang palpak sa halip ay nais na patinuin ang sambayanan.
Dapat na ring durugin ang narco-politicians. Kahit pa sabihin ng mga miyembro ng House Quad Committee at ilang ahensiya na mas marami ang huling droga sa panahon ngayon kaysa kay Duterte, hindi pa rin mapasusubalian na mas marami ang krimen ngayon kaysa noon at mas tahimik ang kapaligiran noong Duterte time kaysa sa ngayon na sunod-sunod ang krimen lalo na patayan.
Teka pala, asan na nga ang mga huling droga na ipinagmamalaki nila? Dapat ipakita sa madlang pipol. Hindi puro balita, tapos, wala na.
Tahimik lang ang supporters ni Digong at Vice President Sara Duterte ay iyan ang ikinatatakot tiyak sa ngayon ng mga politikong tumalikod sa kanila.
Sabi nga ng mga taga-suporta ng mag-amang Duterte, “Kita-kits sa finals.”