Home HOME BANNER STORY Lider ng Dawlah-Maute patay sa engkwentro sa militar

Lider ng Dawlah-Maute patay sa engkwentro sa militar

MANILA, Philippines – Patay ang isang lider ng Daulah Islamiyah – Maute Group sa engkwentro sa mga sundalo sa Piagapo, Lanao del Sur, iniulat ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM) nitong Linggo, Disyembre 3.

Kinilala ng WESTMINCOM ang napatay na terorista na si Alandoni Macadaya Lucsadatu, na kilala rin bilang Lando o Abu Shams, matapos makasagupa ng limang miyembro ng DI-Maute Group ang mga sundalo ng Army’s 3rd Scout Ranger Battalion at 51st Infantry Battalion sa Barangay Tambo noong weekend.

Si Lucsadatu ay sinasabing residente ng Barangay Old Poblacion sa Munai, Lanao del Norte, at pinaniniwalaang isa sa mga natitirang sub-leaders ng DI-Maute Group na kumikilos sa boundaries ng Lanao del Norte at Lanao del Sur.

Siya ay naiulat na nagre-recruit ng mga bagong miyembro para sa teroristang grupo sa kanyang mga kamag-anak sa Munai. Siya rin ang pinaniniwalaang responsable sa pagkamatay ni Marow Lucsadato Mocsara AKA Abu Anggo o Abdane, isang DI-member na sumuko sa militar noong Nobyembre.

Sinabi ng WESTMINCOM na narekober ng mga tropa ang sari-saring baril, military gea, at propaganda materials sa kalapit na lugar. Nahuli rin nila ang tiyahin ni Lucsadatu, na kinilalang si Saadia Dato Angni.

“As the year is about to end, we are intensifying our operations to ensure the safety and security of the people during this yuletide season,” ani WESTMINCOM commander Lt. Gen. William Gonzales sa isang pahayag.

“We are grateful for the support of our stakeholders and the communities that led to our enormous achievements in the campaign against terrorism in our area of operation,” dagdag pa niya. RNT