Home METRO Mga pantalan sa Surigao ligtas sa M-7.4 quake

Mga pantalan sa Surigao ligtas sa M-7.4 quake

MANILA, Philippines –  Walang naitalang pinsala sa mga pantalan na sakop ng Port Management Office (PMO) maliban sa Lawigan Port sa Biglig Surigao del Sur, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Sa nasabing pantalan, nagkaroon lamang ng minor cracks sa operational area nito dulot ng lindol.

Pagtitiyak ng PMO, ng Surigao na ligtas at agad na na-evacuate ang mga empleyado sa Terminal Management Office (TMO) ng Tandag matapos magbaba ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) nito ng Tsunami Alert kagabi, ika-2 ng Disyembre taong 2023.

Nakabalik naman agad sa office ang mga empleyado ng TMO Tandag ngayong araw ika-03 ng Disyembre. Wala namang naitalang pinsala sa nasabing TMO sa kabila ng naranasan nitong 7.7 magnitude na lindol kagabi.

Samantala, naramdaman din sa mga pantalang sakop ng PMO Agusan ang lindol at aftershocks kagabi at sa ngayon ay wala naman naitalang pinsala sa mga pantalang sakop nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSanto Papa nag-alay ng panalangin sa MSU bombing victims
Next articleLider ng Dawlah-Maute patay sa engkwentro sa militar