Home NATIONWIDE Santo Papa nag-alay ng panalangin sa MSU bombing victims

Santo Papa nag-alay ng panalangin sa MSU bombing victims

MANILA, Philippines –  Nag-alay ang Santo Papa ng panalangin para sa mga biktima ng pagbobomba na ikinamatay ng apat at ikinasugat ng mahigit 50 indibidwal habang dumadalo sa isang misa sa Mindanao State University sa Marawi City nitong Linggo, Disyembre 3.

“I wish to assure my prayer for the victims of the attack that occurred this morning in the Philippines, where a bomb exploded during Mass,” sabi ni Pope Francis sa isang post sa Twitter o X.

“I am close to the families and the people of Mindanao, who have already suffered so much,” dagdag pa ng papa.

Nitong Linggo, idinaos sa MSU’s Dinapori Gymnasium ang Misa at dinaluhan ng mga estudyante at faculty nang mangyari ang insidente alas 7:30 ng umaga.

Inilarawan ni Philippine Army 1st Infantry Division commander Major General Gabriel Viray III ang pag-atake bilang isang “terror act.” Aniya, nagpatupad na ng heightened alert kasunod ng insidente.

Sinabi ni Bangsamoro Police Regional Office regional director Police Brigadier General Allan Nobleza na tinitingnan ng mga awtoridad ang posibleng koneksyon sa pagitan ng mga namatay na 11 miyembro ng Dawlah Islamiyah militant group

sa isang labanan sa mga tropa ng Army at ang pambobomba.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePCSO sa publiko: Mag-ingat vs respiratory illness ngayong Kapaskuhan
Next articleMga pantalan sa Surigao ligtas sa M-7.4 quake