Home METRO Lider ng kidnap-for-ransom group, 3 pa arestado sa Sibugay!

Lider ng kidnap-for-ransom group, 3 pa arestado sa Sibugay!

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang hinihinalang kidnap-for-ransom (KFR) group leader at tatlong iba pa sa operasyon ng pulisya sa Zamboanga Sibugay, sinabi ng isang mataas na opisyal ng pulisya noong Sabado.

Si Abral Ibrahim Abdusalam, isang hinihinalang lider ng isang KFR group na may kaugnayan umano sa Abu Sayyaf Group, ay nasakote kasama ang kanyang tatlong tagasunod Biyernes ng umaga sa Barangay Lower Baluran, bayan ng Imelda, ani Brig. Gen. Neil Alinsañgan, Police Regional Office-Zamboanga Peninsula (PRO-9) director.

Sinabi ni Alinsañgan na ang 41-anyos na si Abdusalam ay ang No. 3 most wanted person sa Zamboanga Sibugay at No. 9 sa rehiyon.

Ang suspek ay may standing warrants para sa kidnapping at serious illegal detention, at mga kasong pagpatay na walang piyansa, na inisyu ng mga korte sa bayan ng Ipil at Imelda.

Ang kanyang tatlong kasama ay kinilalang sina Janhar Abdulhari Martin, 31; Hamid Attan Abdulsalam, 41; at, Marvin Kasim, 41. Nahaharap din sila sa kasong murder sa iba’t ibang korte sa Zamboanga Sibugay.

Ang mga naarestong suspek ay sangkot sa kidnappings, gun-for-hire, extortion at iba pang kalupitan sa Zamboanga Sibugay at mga kalapit na lugar, ani Alinsañgan.