MANILA, Philippines – Patay ang lider ng New People’s Army matapos ang engkwentrong naganap nitong Miyerkules, Setyembre 11 sa Barangay Baliuag, Peñablanca, Cagayan.
Kinilala ng Army 5th Infantry Division ang nasawi na si Edgar M. Arbitrario, alyas Karl, secretary ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley.
Ayon sa militar, lubhang nasaktan si Arbitrario kung saan narekober ang katawan nito Biyernes, Setyembre 13.
Kabilang din sa napatay sa engkwentro ang dalawang kasama nito na sina Ka Jorly at Ka Nieves, na estudyante ng Polytechnic University of the Philippines na lumahok noong 2019.
Narekober sa lugar ang high-powered firearms, limang magazine assemblies, ammunition, isang binocular, limang bag packs, dalawang pares ng boots, at medical kits. RNT/JGC