Home NATIONWIDE Lider ng terorista nasakote sa SoCot

Lider ng terorista nasakote sa SoCot

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga alagad ng batas ang pinuno ng kilalang lokal na teroristang grupo sa lalawigan ng South Cotabato.

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Maj. Gen. Leo Francisco na ang suspek, 32-anyos na si alyas “Jaffer”, lider ng grupong Daulah Islamiya-Emaruddin Kassan, ay naaresto sa isang operasyon. bandang 1:30 ng madaling araw Martes ng Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato.

Iniuugnay ang suspek at ang grupo nito sa sunod-sunod na pamamaslang sa bayan ng Polomolok at mga kalapit na lugar.

Si “Jaffer” ay mayroong standing arrest warrant para sa apat na bilang ng pagpatay, isang bilang ng frustrated murder, isang bilang ng tangkang pagpatay at dalawang kasong droga na inilabas ng mga korte sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat.

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa CIDG South Cotabato Provincial Field Unit Office para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon. Santi Celario