MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang naging desisyun noong 2018 ng mababang korte laban kay Peter Scully, ang Australian national na itinuturing na isa sa pinakanotoryus na pedophile sa buong mundo.
Si Scully ang nasa likod ng production ng kasumpa-sumpang video na “Daisy’s Destruction” na ipinakalat sa international pedophile network.
Sa 21 pahinang desisyun ng Supreme Court Second division, kinatigan nito ang parusang life imprisonment kay kay Scully at sa kasabwat nito na si Carme Ann Alvarez dahil sa ksong Qualified Trafficking in Persons. Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad ng multa na tig ₱5,000,000 sa bawat biktima.
Iginiit din sa desisyun ng SC ang mahalagang
llegal principle na kahit walang naipakitang pornographic material ang prosekusyon bilang ebidensya ay hindi ito hadlang para mahatulan ng
kasong human trafficking.
“The essence of human trafficking lies in the act of recruiting, using, or exploiting a fellow human being for sexual abuse, regardless of whether explicit material exists.”
Sa rekord ng kaso, nakilala ni Alvarez ang dalawang batang babae na edad 9 at 12 sa isang mall at inakit ang mga ito na mabibigyan ng mas maraming pagkain kapag sumama sa kanya.
Dinala ni Alvarez ang dalawang bata sa bahay ni Scully at saka pinainom ng alak, pinaghubad at kinunan ng larawan. Matapos nito ay kinadena ng mga akusado ang dalawang bata, pinuwersang manood ng pornographic film at saka nila hinalay ang dalawa hanang vinivideohan.
Nakatakas lamang ang mga bata matapos ang apat na araw at agad nagsuplong sa mga pulis.
Binigyan-diin ng SC na pasok ang lahat ng elemento ng human trafficking sa ilalim ng RA 9208 ang kaso nina Scully. TERESA TAVARES