MANILA, Philippines- Magpapatupad pa rin ng liquor at gun ban sa paligid ng Quiapo bilang bahagi ng security measures kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Jesus Nazareno , ayon sa Manila Police District (MPD) at local government units.
Sa isang press conference, sinabi ni MPD chief Police Brigadier General Thomas Ibay na magkakabisa ang gun ban mula Enero 8 hanggang 11.
Samantala, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang liquor ban ay ipatutupad sa paligid ng Quiapo area mula Enero 8 hanggang 10.
Ang kapistahan ni Hesus Nazareno ay isang 10 araw na aktibidad na nagsimula noong Disyembre 31, 2024 at matatapos sa Enero 9, 2025 sa Traslacion o ang prusisyon ng imahe ni Jesus Nazareno.
Nagsimula ang mga aktibidad sa kapistahan sa siyam na araw na misa ng nobena noong Disyembre 31, 2024 hanggang Enero 8, 2025.
Nagsagawa rin ng midnight thanksgiving procession noong Disyembre 31, 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang.
Ang Pahalik o paghawak ng mga deboto kay Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand ay isasagawa mula Enero 6 hanggang Enero 9. Jocelyn Tabangcura-Domenden