Home METRO Lisensya ng pulis, suspendido sa iba’t-ibang violations – DOTr

Lisensya ng pulis, suspendido sa iba’t-ibang violations – DOTr

333
0

MANILA, Philippines – Suspendido ng 90 araw ang driver’s license ng isang motorcycle rider, na napag-alamang pulis, na nakitang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa bike lane nang walang helmet, inihayag ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes.

Sa viral na video, nakita ang isang naka-unipormeng pulis rider na binabagtas ang bicycle lane at walang suot na kahit anong protective helmet habang minamaneho ang isang motorsiklo nang walang pag-iingat, ayon sa DOTr.

Ayon sa DOTr, kinilala ang umano’y pulis na si Homer Sanares Urbano; gayunpaman, ang lokasyon kung saan naganap ang insidente ay hindi isiniwalat.

Nag-isyu ang Land Transportation Office (LTO) ng show-cause order kay Urbano, na nag-aatas sa kanya na ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa pagbalewala sa traffic sign at paglabag sa mandatoryong paggamit ng motorcycle helmet.

Hiniling din kay Urbano na ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang kanyang lisensiya sa pagmamaneho dahil sa pagiging hindi tamang tao sa pagpapatakbo ng sasakyang de-motor.

Bukod sa 90-araw na suspensiyon ng lisensya, isinailalim sa alarma ang motorsiklo ni Urbano para maiwasan ang anumang transaksyon habang iniimbestigahan ang kaso.

Kasunod nito, binigyang-diin ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na walang exempt sa batas trapiko, kabilang ang mga pulis. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here