Home METRO Lisensyadong titser nagpanggap na doktor, timbog!

Lisensyadong titser nagpanggap na doktor, timbog!

CEBU CITY- Arestado ang isang 50-anyos na lalaki matapos magpanggap na doktor at mag-apply bilang isang health officer sa bayan ng Dalaguete, southern Cebu.

Natanggap si Antonio Jabonillo Alpechi nang mapag-alamang isa siyang lisensyadong guro, at hindi doktor.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, nag-apply online si Alpechi, taga-Isabela, Basilan, bilang rural health physician ng Dalaguete noong Oktubre ng nakaraang taon.

Isinumite ni Alpechi ang mga kinakailangang dokumento sa human resource officer ng bayan. Nakalusot ang suspek sa interview at natanggap. Nagsimula umano sa trabaho ang suspek noong Lunes, April 22.

Sa pagsusuri ng human resources personnel sa mga dokumentong isinumite ng suspek ay natuklasan nilang peke ang mga ito.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang human resources personnel sa Dalaguete police na umaresto sa suspek habang naka-duty sa Rural Health Unit ng bayan.

Hindi nakapagpakita ang suspek ng identification card mula sa Professional Regulation Commission upang patunayang isa nga siyang doktor.

Ayon sa mga awtoridad, mahaharap ang suspek sa kasong usurpation of authority. RNT/SA