Home NATIONWIDE Listahan ng mga pumasa sa September 2024 Professional Teachers’ Licensure Exams inilabas...

Listahan ng mga pumasa sa September 2024 Professional Teachers’ Licensure Exams inilabas na

MANILA, Philippines- Swak ang dalawang Cebu Normal University (CNU) graduates sa topnotchers ng September 2024 Licensure Examination for Professional Teachers para sa Elementary at Secondary levels, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Kabilang si Mary Eloisa Fullo sa anim na graduates na nanguna sa Elementary level kung saan lahat sila ay nakakuha ng percentage rating na 94.00%. Mayroong 20,025 elementary teachers na nakapasa sa pagsusulit mula sa kabuuang 44,002 examinees.

Nakuha naman ni Lara Montebon Tero ang pinakamataas na percentage rating para sa Secondary level na 94.60%. Mayroong 48,875 secondary teachers mula sa 85,926 na kumuha ng pagsusulit. RNT/SA