Home HOME BANNER STORY Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All program pinalawig

Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All program pinalawig

MANILA, Philippines- Pinalawig ng Department of Agriculture (DA) ang footprint ng Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All program kiosks, kung saan nagbebenta ito ng bigas sa mas mababang halaga, sa mas maraming pampublikong pamilihan at metro light rail stations sa Metro Manila.

Sinabi ng DA nitong Biyernesd na kasunod ng initial rollout noong nakaraang linggo ng Rice-for-All program sa limang public markets at piling train stations sa National Capital Region (NCR), palalawigin nito ang inisyatiba sa siyam na karagdagang lokasyon.

Kabilang sa mga bagong pamilihan at LRT/MRT stations ang Maypajo Public Market (Caloocan City), Murphy Market at Cloverleaf Balintawak (Quezon City), La Huerta Market (Parañaque City), Trabajo Market (Sampaloc, Manila), at ilang key train stations —Cubao (LRT2), Recto (LRT2), North Avenue (MRT3), at Ayala Avenue (MRT3).

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na “the [Rice-for-All] program, which offers well-milled rice at P40 per kilo, is a realization of President Bongbong Marcos’ vision to provide affordable rice options to more Filipinos.”

“This program is separate from the P29 rice initiative, which specifically supports vulnerable sectors, including senior citizens, persons with disabilities, solo parents, and indigents,” dagdag ng opisyal.

Inihayag ng Agriculture chief na ipagpapatuloy ng DA ang pagpapalawig sa Kadiwa ng Pangulo kiosks na nag-aalok ng P40 per kilo rice “to more cities and municipalities in the coming weeks to ensure that rice prices reflect true market conditions, especially following President Marcos’ decision to reduce tariffs from 35% to 15% in July.”

“The DA will be unrelenting in pushing this program to keep rice traders and retailers honest, and ensure consumers aren’t taken advantage of by unscrupulous businessmen,” aniya pa.

Ang Rice-for-All program ay isang inisyatiba sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo program —kolaborasyon sa pagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Service ng DA at Food Terminal Inc. (FTI). RNT/SA