Home NATIONWIDE Literacy, kalusugan ng mga OFW tututukan ng bagong OWWA chief

Literacy, kalusugan ng mga OFW tututukan ng bagong OWWA chief

MANILA, Philippines – Sinabi ng bagong luklok na Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator na si Patricia Yvonne Caunan na isusulong niya ang mga programang inuuna ang kalusugan at literacy ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ni Caunan na ilang OFW ang maraming trabaho at nabibiktima ng illegal recruitment.

Nangako rin siya na pagbutihin ang mga digital services ng OWWA para maging madali at mas mabilis para sa mga OFW na makipagtransaksyon sa ahensya at mag-avail ng mga kasalukuyang programa.

Nanumpa si Caunan bilang bagong administrator ng OWWA noong Biyernes, kapalit ni Arnell Ignacio.

Kinumpirma ni Caunan na ang umano’y kwestyonableng P1.4 bilyong land acquisition deal ng OWWA nang walang approval mula sa Board of Trustees ay iniimbestigahan na ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi niya na ang kasunduan sa pagbili ng lupa sa ilalim ng pagbabantay ni Ignacio ay gagamitin umano para sa isang halfway house o dormitory-type na accommodation para sa mga OFW. Jocelyn Tabangcura-Domenden