Home METRO Ina, 3 anak, PWD todas sa sunog sa Bulacan

Ina, 3 anak, PWD todas sa sunog sa Bulacan

Bulacan – Patay ang ina at kanyang tatlong anak matapos masunog ang kanilang bahay sa Sta. Maria, Bulacan nitong umaga ng Huwebes, Mayo 15.

Nakilala ang kalunos-lunos na biktimang ina na si alyas Joy, 31, kanyang tatlong anak na may edad 1 taong gulang na lalaki, 3 taong gulang na babae at 6 taong gulang na lalaki, residente ng Brgy.San Vicente.

Sa report, natuklasan ang insidente nang may sumigaw ng sunog hanggang sa maglabasan ang mga magkakapitbahay na nagtulong-tulong para patayin ang apoy na tuluyang naapula ng mga bumberong dumating.

Ayon sa report, nadala pa ang ina at kanyang tatlo at 6 taong gulang sa ospital para sa paunang lunas subalit binawian din ng buhay kalaunan.

Base sa nakalap na impormasyon, nakitaan ng dalawang bote ng paint thinner at posporo sa loob ng bahay ng mga biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na unang nasunog ang bunso hanggang sa masunog ang higaan at ang bahay na kanilang ikinasawi kalaunan.

Sinasabing bago mangyari ang sunog ay ipina-blotter ng ina sa kanilang barangay ang kanyang mister na nasa kanyang trabaho sa Batangas at may nakatakdang paghaharap subalit hindi na nangyari dahil sa insidente.

Samantala patay rin ang isang babaeng 17 anyos na PWD nang masunog ang kanilang bahay bandang 7:33 ng gabi sa kaparehong petsa sa Brgy. Iba O’ Este, Calumpit.

Nabatid sa report, hindi nagawang makalabas ng biktima dahil sa kanyang pisikal na kondisyon nang magliyab ang kanilang bahay hanggang sa tuluyang lamunin ng us ok at apoy

Naapula ang sunog bandang 7:59 ng gabi ng mga bumbero na patuloy iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. Dick Mirasol