ILOCOS SUR-Patay ang isang 22-anyos na lalaki samantalang sugatan naman ang tatay nito matapos silang tamaan ng kidlat sa Brgy. Darapidap, Candon City ng lalawigang ito kahapon, Mayo 17.
Nakilala ang mga biktima na sina Fanuel Waga, Sr. y Marba, 59, at ang anak nitong si Fanuel Waga Jr. y Castro, parehong residente ng naturang lugar.
Nanghuhuli ng isda sa dagat ang mag-ama nang biglang kumidlat at tamaan sila.
Direktang tinamaan ng kidlat sa tiyan ang mas nakababatang Waga samantalang nakaramdam ng pamamanhid sa magkabilang paa ang kanyang ama.
Agad na isinugod sa ospital ang mag-ama.
Gayunman, idineklarang dead on arrival si Fanuel Jr. Rolando S. Gamoso