MANILA, Philippines – Matapos opisyal na maiproklama noong Sabado sa Manila Hotel, hindi nag-aksaya ng panahon si Senator Christopher “Bong” Go sa pagtungo sa Barangay 118 at 123 sa Tondo, Maynila, upang personal na alamin ang kalagayan ng mga pamilyang nasunugan kamakailan.







