MANILA, Philippines- Umakyat na ang presyo ng lechon sa La Loma district ng Quezon City, ngayong Disyembre, kung saan inaasahang madaragdagan pa ito sa papalapit na Christmas holidays.
Tumaas ang presyo ng lechon na may bigat na anim hanggang pitong kilo sa P10,000 mula sa P7,500—mas mataas ng 33%. Ang presyo naman ng walo hanggang siyam na kilong lechon ay umakyat ng 29.4% sa P11,000 mula P8,500; habang ang lechon na may timbang na 10 hanggang 11 kilo ay sumampa sa P13,000 kumpara sa dating P10,000, mas mataas ng 30%.
Samantala, stable naman ang presyo ng ham sa Quiapo, Manila:
Bone-in ham: P1,860 per kilogram
Deboned ham: P1,760 per kilogram
Pineapple sweet ham: P1,360 per kilogram
Scrap ham: P1,720 per kilogram