Home ENTERTAINMENT Megan, buntis na!

Megan, buntis na!

Manila, Philippines – Finally, the long wait is over.

Infanticipating na ang former Miss World na si Megan Young sa panganay nila ng asawang si Mikael Daez.

May ingenious way ang couple para ibahagi ang masayang balitang ito.

Sa kanyang Instagram, gumamit ang mag-asawa ng video ng sikat na arcade game na Super Mario.

Ang set ay mala-living room nila.

To the tune of Super Mario, unang pumasok sa frame si Megan as player 1.

Sumunod si Mikael na may rhythm pa ang pasayaw na pagpasok.

Maya-maya ay itinaas nila ang kanilang mga kamay holding a box in the air na may question mark.

And voila! Hawak-hawak na ng couple ang sonogram ng baby inside Megan’s womb!

Kabilang sa mga bumati ay sina Lauren Young, Chariz Solomon at Rhian Ramos.

Lauren is Megan’s sister whose post spoke about her excitement bilang aunt ng kanyang magiging pamangkin.

Matatandaang for the longest time ay paboritong itanong ng press kung kailan magbubuntis si Megan.

It came to a point na parang naiirita na si Megan sa pangungulit sa kanya.

Consistent naman lagi si Megan sa pagsasabing she and Mikael are trying their best.

It’s just that hindi pa sila nakakabuo kahit madalas silang mag-travel outside the country.

“Cool and fun parents” kung paano ilarawan ni Rhian ang Daez couple! Ronnie Carrasco III