MANILA, Philippines- Sinabi ng pamilya ng pulis na pinaslang at pinagpuputol ang katawan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City na peke ang extrajudicial confession ng mga suspek, ayon sa ulat nitong Lunes.
“For the past few days, there was a malicious news spreading that my father and a certain demonic woman was caught in the act of sexual activity that resulted to the shooting of my father committed by her demonic husband,” pahayag ng pamilya ng biktima sa Facebook.
“This report was mere basely on the ‘FALSE’ extrajudicial confession made by these two demonic individuals who killed my father,” dagdag nito, na tinawag ang insidente na massacre.
Batay sa inisyal na ulat, binaril ang police executive master sergeant noong Nobyembre 28 ng kapwa nito pulis matapos umanong mahuli ng suspek ang biktima sa isang “very intimate situation” kasama ang asawa ng suspek, na isa ring pulis.
Base sa Southern Police District (SPD), sinabi ng lalaking suspek na gumamit ito ng hacksaw upang putulin ang biktima. Dinala ng lalaking suspek ang mga labi sa kanyang ancestral house sa Baguio City.
Natagpuan ang bangkay ng biktima noong Disyembre 5 matapos umamin ng suspek sa mga pulis kung saan niya ito inilibing.
Dahil dito, inihayag ng SPD na sinisilip nila ang anggulo ng “crime of passion” sa imbestigasyon.
Subalit, hindi naniniwala ang pamilya ng biktima sa pahayag ng mga suspek at iginiit na ang pagpatay ay planado at kinasasangkutan ng 10 hanggang 20 pang indibidwal.
“For clarity, it was a set up that started by a forcible abduction, and merciless tortures that resulted to the tragic death of my father. It was planned and prepared since March 2024 up to present, to kill my father once he visit Manila perpetrated by these two demonic individuals…” giit ng pamilya.
“Yes their cohorts, this demonic crime was not only committed by these two but more or less 10 to 20 other demonic individuals,” dagdag pa.
Posibleng maghain ng kasong murder laban sa mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis, batay sa SPD. RNT/SA