Home METRO Live-in partner, person of interest sa pagpatay sa US marine biologist

Live-in partner, person of interest sa pagpatay sa US marine biologist

2
0

MANILA, Philippines — Itinuturing na person of interest ang live-in partner ng pinaslang na American marine biologist na si Dr. Kent Carpenter, ayon sa Negros Oriental Police nitong Miyerkules.

Binaril at napatay noong Linggo ng gabi ang 73-anyos na si Carpenter ng tatlong hindi pa nakikilalang armadong lalaki na sapilitang pumasok sa kanyang bahay sa Barangay Ajong, Sibulan, Negros Oriental.

Ayon kay Negros Oriental Police chief Col. Timmar Alam, hindi nasaktan ng mga salarin ang live-in partner ni Carpenter, taliwas sa nauna nitong pahayag na siya ay sexually assaulted.

Wala pang inilalabas na karagdagang detalye ang mga awtoridad hinggil sa posibleng kaugnayan niya sa krimen habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here