MANILA, Philippines – May ilang kabataang deboto pa rin ang nagpipilit na makasampa sa Andas ng Poong Hesus Nazareno sa Traslacion ngayong Huwebes, Enero 9.
Sa ngayon ay nasa bahagi na ng Maria Orosa ang Andas at habang papalapit sa Taft Avenue – Ayala Blvd, tapat ng Philippine Normal University ay lalo namang dumadami at bumubuhos ang mga deboto.
Karamihan sa mga deboto ay nakahiga na sa kalsada at sa mga bangketa habang naghihintay ang pagdaan ng Andas.
Sa Ayala Boulevard ay punong-puno na rin ng mga deboto hanggang makarating ng tulay at sa Quiapo.
Mula Quirino Grandstand ay kumanan ito sa Katigbak Drive, diretso sa Padre Burgos street, at kakanan sa Finance Road patawid ng Taft Avenue patungong Ayala Bridge.
Kakaliwa naman ito sa Carlos Palanca at daraanan ang mga makikipot na kalsada sa Quiapo o dating ruta ng Traslacion. Jocelyn Tabangcura-Domenden