Home NATIONWIDE Livestock, poultry at dairy sector, palalakasin ng Senado sa food security

Livestock, poultry at dairy sector, palalakasin ng Senado sa food security

MANILA, Philippines – Tiniyak ng isang senador na palalakasin ng Senado ang programa para sa pagpapaunlad ng livestock, poultry at dairy industries (LPD) bilang bahagi ng pagpapatibay ng food security ng Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food security na kahit sa ika-apat na bahagi ng produksiyon sa sektor ang agrikultura ang ibinabahagi ng LPD sector noong 2023.

“These industries accounts for more than a quarter of agricultural output in 2023,” ayon kay Villar, chairman din ng Senate committee on agrarian reform.

Aniya, mula sa baboy at manok, tinatayang 29.8% percent ang Filipino protein consumption.

Binanggit din niya na maaaring magkaroon ng protein deficiency at malnutrition dahil sa hindi kakayanin ang mataas na halaga nito.

“The hog sector in the country is still struggling against the African Swine Fever outbreak since 2019 and needs to bounce back to support small hold raisers and commercial farms to support of basic food needs for pork,” ani Villar.

Ang ASF ang responsable sa P100-Billion pagkalugi ng sektor.

Kailangan din ng poultry sector ang sustainable inputs tulad ng feeds, gamot laban sa mga peste at sakit upang mas maging efficient ang sistema ng produksyon.

“Imported milk in the country accounts for 99 percent of supply which makes milk unavailable and unaffordable to our growing population,” sabi pa ng senador.

Igiinit niya na kailangan din ng matinding suporta ng ating milk production upang matugunan ang local demand, lalo na sa milk feeding programs sa ating mga paaralan at iba pang institusyon na nangangalaga sa ating mga bata.

Sa mahabang panahon, pinatatakbo ang LPD industries ng private sector. Sa panukalang ito, aktibong susuportahan at lalahok ang pamahalaan sapag-unlad ng sektor.

Nais din ni Villar na maging competitive ang Livestock, Poultry and Dairy Industries kapag naipaasa ang Senate Bill No. 2558, sa ilalim ng Committee Report No. 193 or “An Act Strengthening the Livestock, Poultry and Dairy Development and Competitiveness, Rationalizing the Organization and Functions of Relevant Government Agencies, Creating an Competitiveness Enhancement Fund Therefor. Ernie Reyes