Home NATIONWIDE LIW, PWDs sa P’que inayudahan ni Bong Go

LIW, PWDs sa P’que inayudahan ni Bong Go

MANILA, Philippines – Personal na namahagi ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa libong persons with disabilities (PWDs) at low income workers (LIW) sa Parañaque City bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na mabigyan ng oportunidad sa kabuhayan ang mga maralitang tagalungsod.

Idinaos sa Parañaque Sports Complex, 1,000 benepisyaryo ang tumanggap ng meryenda, mask, food packs, bitamina, kamiseta, basketball, at volleyballs mula kay Go at sa kanyang Malasakit Team. Bukod pa rito, nakatanggap ang mga piling benepisyaryo ng bisikleta, sapatos, mobile phone, at relo.

Sa sama-samang pagsisikap ni Go, ng mga pambansang ahensya, at ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City sa pangunguna ni Mayor Eric Olivarez, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay nakatanggap din ng suportang pinansyal mula sa gobyerno.

Pinuri ni Go sina Congressman Edwin Olivarez, Mayor Eric Olivarez, Vice Mayor Joan Villafuerte, at ang mga konsehal ng lungsod sa kanilang pagtutulungan at tulong.

Hinimok ng senador ang mga benepisyaryo na i-maximize ang ibinigay na tulong sa kanila at pinayuhan sila na maging masipag at matiyaga para sa kanilang mga pamilya.

“Mahalaga ang bawat patak ng pawis sa pag-asenso. Gamitin ninyo ang mga oportunidad na ito bilang hakbang patungo sa mas magandang kinabukasan,” ayon kay Go.

Alinsunod din sa kanyang adbokasiya, inihain ni Go ang Senate Bill No. 2789, na tututok sa kapakanan ng para-athletes. Binibigyang-diin ng panukalang batas na ito ang pangangailangang bigyan ang mga para-atleta ng suporta at pagkakataong kinakailangan upang umunlad.

Kikilanin ng panukalang batas ang kanilang mahahalagang kontribusyon sa palakasan sa Pilipinas at ang kanilang papel sa pagdadala ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng mga internasyonal na kompetisyon.

At para lalo pang isulong ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, inihain din ni Go ang Senate Bill No. 1705, na nagmumungkahing taasan ang service incentive leave ng mga empleyado sa pribadong sektor. Inihain din niya ang Senate Bill No. 1707, na naglalayong magbigay ng competitive remuneration at compensation packages sa social workers sa bansa kung ito ay maisasabatas.

Inihain din ni Go ang Senate Bill No. 2107, o ang “Freelance Workers Protection Act” na naglalayong bigyan ng proteksyon at mga insentibo ang freelance workers.

Co-author din at suportado ni Go ang Senate Bill No. 2534, na nagmumungkahi ng nationwide increase sa daily minimum wage ng  P100 upang maibsan ang hirap ng mga pamilyang Pilipino.