Home NATIONWIDE Pagtiyak ng pondo ng AKAP sa 2025 budget isusulong sa bicam

Pagtiyak ng pondo ng AKAP sa 2025 budget isusulong sa bicam

MANILA, Philippines – Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez si House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co na tiyakin na maibalik ang P39-billion na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) funds sa gagawing bicameral conference committee.

Bukod sa AKAP, nais din ni Romualdez na matiyak sa bicam na magkakaroon ng pondo para sa dagdag na subsistence allowances para sa mga sundalo.

Matatandaan na una nang tiniyak ni Romualdez na gagawin ng Kamara ang lahat para maibalik ang AKAP program funds sa ilalim ng 2025 national budget na una nang inalis ng Senado.

Giit ni Romualdez ang AKAP ay nakakatulong na sa may 4 million na beneficiaries mula nang masimulan ang programa.

Sa panig ni Co, sinabi nito na hindi lamang ang Kamara ang nagsusulong na matiyak ang AKAP program kundi lalo sina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Philippine Statistics Authority Usec. Dennis Mapa na nakita ang kahalagahan ng peograma para sa 12 million low-income o near-poor families.

“Millions of struggling Filipinos depend on this critical financial support. We can’t allow the administration’s most vital socialized program to disappear,” pahayag ni Co.

“Until these families earn at least P45,000 per person monthly, AKAP remains essential. If we can’t provide proper wages, this program is the right form of support to shield them from high prices and economic hardship.” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng AKAP ang mga beneficiaries ay nakakatanggap ng one time financial aid na P3,000 hanggang P5,000.

“Without AKAP, families living paycheck-to-paycheck will have no safety net for emergencies, such as illness, death in the family, or natural disasters,” paliwanag ni Co.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Co sa hakbang ng Senado na tanggalin sa 2015 budget ang AKAP program partikular nina Senators Grace Poe at Imee Marcos.

” we urged the Senate to reconsider, sustaining AKAP is not only a moral responsibility but also an economic imperative to support struggling Filipinos and foster resilience” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza