Home ENTERTAINMENT Liza at Julia, in-unfollow si Kathryn!

Liza at Julia, in-unfollow si Kathryn!

Manila, Philippines – Big deal!

Ito na lang ang naibulalas ni Ogie Diaz matapos ibalita mismo na in-unfollow daw nina Liza Soberano at Julia Barretto si Kathryn Bernardo.

Sa ngayon, nananatiling hindi malinaw ang dahilan ng pag-unfollow nina Liza at Julia sa kapwa aktres sa Instagram.

Katwiran ni Ogie, bagama’t may tiyak naman daw na dahilan sina Liza at Julia for doing so, ang pag-unfollow daw ninuman sa isang tao sa anumang social media account ay hindi dapat gawing isang malaking isyu.

Isinahalimbawa ni Ogie ang kanyang sarili na in-unfollow rin ng isang artistang tinukoy niya.

Ani Ogie: “Ako nga, hindi ko alam kung pina-follow pa ‘ko ni Julia o in-unfollow na.”

Pero hindi raw nangangahulugan na porke nag-unfollow-han ang dalawang tao sa social media, ibig sabihi’y may away sila.

“Not because hindi na ako pina-follow ni Julia, eh, ibig sabihin nu’n, eh, magkaaway kami. Nagbabatian pa rin naman kami pag nagkikita kami!” pagra-rationalize ni Ogie.

Hindi rin diniscount ni Ogie ang posibilidad na baka antimano naman ay talagang hindi naka-follow sina Liza at Julia kay Kathryn.

Naibahagi kasi ito ni Ogie dahil na rin sa napansin ng mga netizens who are closely following showbiz personalities on Instagram.

“Hindi maituturing na isyu ‘yon.

Kung hindi man nila i-follow si Kathryn, ang dapat na reaction du’n, eh, ‘And so?’ Ganu’n lang kasimple ‘yon!” dagdag pa ni Ogie.

Besides, hindi naman isang malaking threat si Kathryn sa career nina Liza at Julia. Ronnie Carrasco III