Home ENTERTAINMENT Liza, kinansel ang Norway trip, nalagasan ng P70k!

Liza, kinansel ang Norway trip, nalagasan ng P70k!

Manila, Philippines- Dahil sa kagustuhang dumalo sa medation kaugnay ng cyber libel case na isinampa niya’y ipinagpaliban ni dating FDCP Chairman ang kanyang Norway-bound trip.

Same day nakaiskedyul ang mediation at biyahe niya sana sa nasabing European country para sa isang workshop.

Liza chose to show up at the mediation process, na may kaugnayan sa asuntong isinampa niya laban sa ilang editorial staff ng PEP.

Ang nangyari, pagdating daw niya sa prosecutor’s office where she filed the case ay kanselado ang mediation.

Nais sanang makaharap ng misis ni Ice Seguerra ang mga taong idinemanda niya nang personal.

Dahil doon, walang choice si Liza na magbayad ng rebooking fee which cost her to spend P70,000.

Buwisit niyang post, puwede naman daw aniyang mainis sa nangyaring hassle o aberya.

Nakapanghihina naman daw kasing nalagasan siya ng nasabing halaga para sa rebooking.

Pero nakitaan din ni Liza ng silver lining ang “kamalasang” ‘yon.

Pagra-rationalize ng ngayo’y concert producer na: “I have made the right decision in knowing that the truth will come out!”

Last year nang sunud-sunod at ginawa pang running story ng PEP ang umano’y mismanagement ni Liza ng FDCP.

May involved ding pera umano sa exposè na ‘yon na isiniwalat ng PEP laban sa kanya.

Damay pati ang nagbitiw na chairman na si Tirso Cruz Ill at ang kasalukuhang nakaupong si direk Joey Reyes. Ronnie Carrasco III