Home NATIONWIDE Pag-aaral sa umento sa sahod ng gov’t workers, nagpapatuloy

Pag-aaral sa umento sa sahod ng gov’t workers, nagpapatuloy

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na ang nagpapatuloy na pag-aaral para sa posibleng umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno ay target na makompleto sa pagtatapos ng Hunyo ngayong taon.

Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na ang Compensation and Benefits Study para sa salary adjustments ng mga manggagawa sa gobyerno ay isinasapinal na.

Ayon sa departamento, lubusang sinaliksik ng pag-aaral ang iba’t ibang aspeto ng kasalukuyang compensation system, kabilang na rito ang sahod, benepisyo at allowances, para tukuyin ang “areas for improvement.”

Kabilang sa nasabing pag-aaral ang benchmarking activities laban sa pribadong sektor at ang hangarin na magtatag ng “fair at sustainable pay structure” na makapagpapahusay sa kapakanan at pagiging produktibo ng mga manggagawa sa gitna ng epekto ng inflation.

“The results of the study will likewise serve as the basis for making necessary changes in the Total Compensation Framework of civilian government personnel to ensure fair and timely salary adjustment for government workers,” ayon sa DBM.

Sa oras na maisapinal na ang pag-aaral, ang resulta ayon sa Budget Department ay ipi-presenta sa DBM at sa Governance Commission ng government-owned and controlled corporation (GOCC).

“The DBM assures its readiness to support the implementation of the salary adjustment once approved, to ensure a competitive and equitable compensation package for our civil servants,” ayon sa kalatas.

“We will find a way to fund its implementation, subject to excess revenue to be collected by the national government,” ang nakasaad sa kalatas. Kris Jose