MANILA, Philippines – Inalis agad ni Palace Press Officer Claire Castro ang ispekulasyon kaugnay sa viral video na nagpapakitang nag-uusap sina First Lady Louise Araneta-Marcos at Senator Alan Peter Cayetano sa isang event.
Ani Castro, ang dalawa ay nagkakaroon lamang umano ng ‘friendly chat.’
Ang tinutukoy niya ay ang video ng First Lady at ni Cayetano na nag-uusap sa sidelines ng dinner reception na pinangunahan ng Commerce and Industry, Inc. (FFCCCI) nitong Hunyo 8.
Sa video, dumidikit si Cayetano kay Mrs. Marcos at kalaunan ay lumalayo naman ang First Lady.
“Unang-una, hindi po natin katabi si First Lady, hindi po natin alam kung ano ang kanilang pinag-usapan,” ani Castro.
“But definitely, sa pagiging mabait po ng ating Unang Ginang, normally it’s just friendly talks na, I mean, kumustahan. The way I see it po ha, ganoon po ang First Lady, sa aking pagkakakilala,” dagdag pa niya.
Hindi rin umano naniniwala si Castro na tungkol sa politika ang pinag-usapan, lalo na sa mga pinakahuling kaganapan sa Senado.
“Pero walang masasabi nating pulitika,” aniya. RNT/JGC