Home ENTERTAINMENT LizQuen, may balik tambalan!

LizQuen, may balik tambalan!

Manila, Philippines – Tiyak  na matutuwa ang mga tagahanga nina Liza Soberano at Enrique Gil na kilala rin sa tawag na LizQuen, dahil sa isang interview ng una ay kinumpirma niya na muli silang magsasama sa isang teleserye ng dating boyfriend at ka- loveteam.

Pero yun nga lang ay  hindi pa this year kundi sa susunod pang taon o sa year 2027 pa.

Ayon kasi kay Liza, ang gusto niya kung magbabalik-serye siya ay  mapaghandaan itong mabuti. At yung kakaiba sa mga nauna nilang ginawang  serye ni Enrique.

Kumbaga, iba ang genre.

Matatandaan na ang huling serye na ginawa ng LizqQuen ay yung Make It With You noong 2020 pa.

Hindi nga lang nila ito tinapos dahil sa pandemic. Natatakot silang lumabas noon para mag-taping dahil kasagsagan ng COVID 19. Rommel Placente