Home NATIONWIDE PH, UAE sanib-pwersa sa pagbawas ng plastic sa mga karagatan

PH, UAE sanib-pwersa sa pagbawas ng plastic sa mga karagatan

MANILA, Philippines- Lumagda ang Pilipinas at United Arab Emirates ng kasunduan sa pagbawas ng plastic waste sa mga karagatan sa World Governments Summit.

Sinaksihan ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos agng pagtinta sa Memorandum of Understanding on Reducing Plastic Waste Leakage sa mga karagatan.

“Grateful to our partners in the UAE for helping us cut marine plastic litter by 50% by 2030 and for sharing their expertise on building better waste management systems,” wika ni Marcos.

Isinagawa ang World Governments Summit ngayong taon na may temang “Shaping Future Governments.”

Nilalayon ng Summit na pagsama-samahin ang mga gobyerno, international organizations, thought leaders, at private sector leaders mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang paghusayin ang international cooperation at tukuyin ang innovative solutions para sa mga hamon sa hinaharap, na magsisilbing inspirasyon sa susunod na mga henerasyon at pamahalaan. RNT/SA