Home METRO Tsyansingerong outgoing Gov itsapwera sa inner circle ng First Couple

Tsyansingerong outgoing Gov itsapwera sa inner circle ng First Couple

MANILA, Philippines – Itsapwera na sa inner circle ng First Couple ang isang bilyonaryo na outgoing provincial governor dahil sa ginawa nitong “pangmamanyak” sa mismong hipag niya.

Ayon sa source, nagsimula ito nang makilala ng bilyonaryong gobernador ang hipag sa isang party. Hindi na umano nagsayang ng panahon ang bilyonaryo, agad diniskartehan ang hipag at niyayang sumabay pauwi.

Habang bumibiyahe, doon nangyari ang umano’y “pananantsing” ng bilyonaryo.

Sabi pa ng source, nagulat ang hipag sa ginawa ng gobernador dahil malayo ito imahe niya bilang maginoo at kagalang-galang.

Agad namang ipinarating ng hipag sa isang maimpluwensiyang kaibigan sa Malacanang ang ginawa ng gobernador.

Kaya marami ang nakapansing wala ang bilyonaryong gobernador sa mga event ni Pangulong Marcos kamakailan. May nakapagbulong daw sa Chief Executive na dumistansiya muna para hindi madamay sa kontrobersiya.

Sa nangyaring ito, apektado rin ang kandidatura ng bilyonaryo sa kanyang lalawigan dahil siguradong hindi na siya susuportahan ng Palasyo.

Tamang tampulan naman ng tsismis ng mga marites kahit mga barako ang isyu sa kanilang lalawigan. RNT