Home ENTERTAINMENT Lloydie at direk Bobot, bati na!

Lloydie at direk Bobot, bati na!

Manila, Philippines – Parang mababaw lang ang ‘di pagkakaayos nina John Lloyd Cruz at direk Bobot Mortiz.

Sobra ngang babaw kung tutuusin that instantly ay nanumbalik din agad ang kanilang pagkakaibigan.

‘Yun nga lang, they seem to have reconciled their differences on social media.

Kumbaga, John Lloyd and direk Bobot have yet to iron out their kinks in person.

Matatandaang nag-ugat ang ‘di pagkakaunawaan ng dalawa nang ma-cut short sa ere ang sitcom na Happy Together sa GMA.

Si JLC ang lead star nito under Bobot’s direction.

Basta na lang ayaw nang mag-taping ng aktor uli nang hindi man lang inaabisuhan ang direktor.

Of late, balitang ibabalik ng ABS-CBN ang Goin’ Bulilit na hinawakan din ni direk Bobot.

Siya rin ang naatasang magdirek nitong muli.

Dahil dito, nagpaabot ng congratulatory message si Lloydie sa social media.

Obyus na nahimasmasan na si direk Bobot over his rift with JLC sa post niyang: ” Salamat. Hope to see you soon!”

Sadly, walang mababasa sa comment section dahil may nakasulat na: “Comments have been limited.” Ronnie Carrasco III