MANILA, Philippines – Maaaring dagdagan ang kasalukuyang load limits ng San Juanico Bridge sa gitna ng rehabilitasyon, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Aniya, ang pagtaas ng load limits na maaaring maipatupad sa huling kwarter ngayong taon.
Sinabi rin ni Bonoan na ang full capacity ng kasalukuyang San Juanico Bridge ay gagawin sa sandaling ang bagong tulay ay aktwal na maitayo.
Kalaunan, sinabi ni Bonoan na karamihan sa mga sasakyan ay papayagan maliban sa mga ay mabibigat na kargada.
Sinusubukan naman aniya ng Philippine Ports Authority (PPA) na magkaroon ng alternatibong ruta upang matugunan ang mga alalahanin sa ekonomiya sa gitna ng pagkukumpuni.
Ayon sa DPWH, ang kasalukuyang assessment ay naglabas ng alalahanin tungkol sa San Juanico Bridge structural integrity.
Naka-blue alert na ang mga awtoridad kasunod ng enforcement ng weight limit ng sasakyan.
Ang blue alert status ay nangangahulogan na ang ahensya ay mas mataas na kahandaan at pagkaalerto. Jocelyn Tabangcura-Domenden