Home NATIONWIDE Pugot na bangkay umalsa sa ilog sa Bulacan

Pugot na bangkay umalsa sa ilog sa Bulacan

Bulacan – Isang bangkay na walang ulo ang natagpuang palutang-lutang ng mga residente sa ilog sa pagitan ng dalawang bayan ng lalawigang ito.

Sa impormasyon, ang nakataob na bangkay ay may nakalislis na kulay itim na damit pang-itaas at suot ang batik-batik na itim at puting salawal.

Ayon sa impormasyon, tumambad ang bangkay nitong Martes, Mayo 20 sa mga residenteng dumadaan sa lumang tulay na nag-uugnay sa Brgy. Upig, San Ildefonso at Brgy. Salalungan, San Rafael

Sa Facebook post na nag-viral sa kaparehong petsa, isang netizen ang nagsabing nakita na rin ang ulo kinabukasan ng Miyerkules na palutang-lutang malapit sa nasabing ilog.

Sinusulat ito, patuloy na inaalam sa mga awtoridad ang kabuuang impormasyon at pagkakakilanlan ng biktima. Dick Mirasol III