Home NATIONWIDE Isabela PPO nakiisa sa nationwide simultaneous inspection ng SAR equipment

Isabela PPO nakiisa sa nationwide simultaneous inspection ng SAR equipment

SAN GUILLERMO, Isabela – Nakiisa ang Isabela Police Provincial Office o IPPO sa nationwide simultaneous inspeksyon sa mga kagamitan sa Search and Rescue o SAR sa harap ng Admin Building, Camp Lt. Rosauro D Toda Jr, Baligatan syudad ng Ilagan. Isabela

Ayon kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng IPPO layuning masiguro ang kahandaan ng buong hanay ng pulisya sa pagtugon sa mga sakuna, aktibong nakiisa ang hanay ng kapulisan sa isinagawang nationwide simultaneous inspection ng mga Search and Rescue (SAR).

Ang nasabing inspeksyon ay pinangunahan mismo ni Chief, Philippine National PGEN ROMMEL FRANCISCO D MARBIL at isinagawa sa direktang pangangasiwa ng The Directorate for Police Community Relations (TDPCR), katuwang ang Critical Incident Management Committee (CIMC).

Bahagi ito ng taunang inisyatiba ng PNP upang tiyakin ang pagiging handa, sapat, at maayos na kondisyon ng mga kagamitan sa panahon ng sakuna.

Layunin ng inspeksyon ang masusing pagsuri sa kondisyon, kakayahan, at kompletong imbentaryo ng mga kagamitang pang Search and Rescue upang mapanatili ang mataas na antas ng kahandaan ng PNP sa pagtugon sa mga emerhensiya, partikular na sa inaasahang epekto ng La NiƱa at pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinaigting na disaster preparedness plan ng pambansang pamahalaan.

Buong sigasig na lumahok ang mga tauhan ng IPPO sa presentasyon at pagsusuri ng kanilang SAR equipment, habang sabay-sabay ring nagsagawa ng sariling inspeksyon ang lahat ng Municipal at City Police Stations sa kanilang nasasakupan. REY VELASCO