Home METRO Lola lasog sa trailer truck

Lola lasog sa trailer truck

Bulacan – Patay ang 84-anyos na babae na umano’y tinangay ng malakas na hangin hanggang sa mabuwal sa kalsada at masagasaan ng trailer truck sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang kalunos-lunos na biktimang si Mercedez Fernandez, jobless at residente ng Brgy. Mataas na Kahoy, Norzagaray.

Sa report ng SJDM police, nangyari ang insidente bandang alas-11 ng umaga nitong Agosto 7 sa kahaaan ng Quirino Highway Crossing, Brgy. Tungkong Mangga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon at base na rin sa CCTV footage, naglalakad ang biktimang bitbit ang payong nang biglang tangayin ng malakas na hangin.

Dahil dito, natumba ang matanda sa naturang kalsada hanggang sa aksidenteng masagasaan ng Isuzu trailer truck na minamaneho ni Edner Cagara ng Brgy. Minuyan, Norzagaray na agarang ikamatay niya.

Sa isang Facebook post na nagviral at ayon na rin sa mga komento ng mga netizen sa insidente, kinuha ng biktima ang mga baryang nalaglag sa kalsada nang matumba siya kaya nasagasaan ng truck na ikinadurog ng ulo nito.

Nahaharap ang drayber ng trak sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III