Home ENTERTAINMENT Clau, nagsisisi sa sinabi kay Angelu!

Clau, nagsisisi sa sinabi kay Angelu!

Manila, Philippines- Hindi galit, nagpakatotoo lang.

Ito ang iginiit ni Claudine Barretto sa vlog interview ni Ogie Diaz kaugnay ng pag-ayaw niyang makatrabaho si Angelu de Leon.

Matatandaang ito ang mga salitang binitiwan ni Claudine nang dumalo sa 20th wedding anniversary celebration nina Gladys Reyes at Christopher Rojas.

Naroon din si Angelu sa pagtitipon, but she left earlier.

Hindi tuloy sila nagpang-abot ni Claudine.

May part sa event na ‘yon where Gladys interviewed Claudine on stage.

At doon nga nabanggit ni Gladys how excited she was kung sakaling magsasama-sama sila sa isang proyekto.

Ang “sila” na tinutukoy ni Gladys ay si Judy Ann Santos, Angelu de Leon, siya mismo at si Claudine.

Kaso, ang ikinagulat na sagot ni Claudine ay: “No, no…si Juday, ikaw at ako lang…walang Angelu!”

It was later found out na masama pala ang loob ni Claudine kay Angelu.

Ang pagpapainterbyu raw ni Angelu tungkol sa sigalot ng mga Barretto sisters ang ikinasama ni Claudine ng loob.

Gladys’ event took place in January, at nitong latter part ng April saka lang nahingang muli ng reaksyon si Claudine.

When Ogie tackled the subject, Claudine didn’t mince words sa pagsasabing nagpakatotoo lang daw siya sa kanyang sinabi as regards her refusal to work with Angelu alongside Juday and Gladys.

Nilinaw rin ni Claudine na hindi siya galit kay Angelu.

Sa katunayan pa nga raw, Claudine regrets having said that.

Umaasa naman daw siyang magkakaayos sila ni Angelu.

Matatandaang hindi sinagot ni Angelu ang isyu, sa halip ay idinaan niya ‘yon sa crypt* ost sa social media. Ronnie Carrasco III