MANILA, Philippines – Patay ang tatlong indibidwal habang apat ang naospital matapos kumain ng butete sa Barangay Tambo, Libon, Albay nitong Miyerkules, Mayo 8.
Ayon sa Libon Municipal Police Station (MPS) nitong Huwebes, dalawang pamilya ang nalason matapos kumain ng isda na nakamamatay kapag hindi naihanda ng mabuti.
Sinabi ng pulisya na isa sa mga biktima ay nakahuli ng butete at agad itong niluto kahit hindi pa nalilinisan ng maayos.
Matapos kumain ng butete ay doon na sumakit ang tiyan ng mga biktima saka nagsuka.
Dinala sa Pantao District Hospital sa Libon ang mga biktima, kung saan tatlo sa mga ito ang idineklarang nasawi. RNT/JGC