Home ENTERTAINMENT Nora, naghahanap ng sponsors sa byahe sa Cannes!

Nora, naghahanap ng sponsors sa byahe sa Cannes!

Manila, Philippines- Nakabitin ngayon sa ere ang pagbiyahe ni Nora Aunor patungong Cannes, France.

Gaganapin kasi roon ang classic screening ng pelikula niyang Bona.

Ang Bona ay ang pelikulang ipinrodyus din noon ng Superstar at inilahok sa Metro Manila Film Festival noong 1980.

Leading man ni Nora doon si Phillip Salvador na gumanap bilang bit player sa mga pelikula.

Dakilang alalay naman ang role ni Guy bilang Bona.

Balitang naghahanap si Nora ng mag-i-sponsor sa kanyang Cannes trip.

Ang alam namin, the Lino Brocka-megged film was the first Filipino film shown in Cannes.

Sa film festival ding ito nagkaroon ng kauna-unahang Filipino Best Actress awardee sa katauhan ni Jaclyn Jose many years later.

Jaclyn won for the Brillante Mendoza film Ma Rosa.

Ang Cannes din ang madalas puntahan ng mas active na film distributor/producer na si Sylvia Sanchez who’s on the lookout for quality foreign films para ipalabas dito sa atin.

Hindi kaya posibleng si Sylvia ang maging kasagutan sa sponsorship problem ni Nora yaman din lang na namimili ito ng mga banyagang pelikula for local distribution? Ronnie Carrasco III