Home METRO 36 pamilya nasunugan sa Cavite, binatilyo sugatan

36 pamilya nasunugan sa Cavite, binatilyo sugatan

MANILA, Philippines – Nasa 36 pamilya ang nawalan ng bahay nang lamunin ng apoy sa isang sunog sa Brgy Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-11:30 ng umaga nang nagsimulang masunog ang isang bahay sa Phase B, Tabing Ilog ng nasabing lugar.

Mabilis na kumalat ang apoy kung saan karamihan sa kabahayan ay gawa sa light materials at nadamay ang may 36 na kabahayan.

Umabot sa unang alarma ang sunog at bandang alas-12:20 ng hapon nang ideklarang fire-out ng Ground Commander na si Fire Senior Insp Precious Fetalio na umabot sa humigit kumulang na 36 na pamilya ang apektado sa mga naabong tirahan.

Isa namang 15-anyos na binatilyo na kinilalang si alyas Nathan ang naiulat na nasugatan sa kasagsagan ng sunog subalit agad namang nilipatan ng gamot ng mga rumespondeng BDRRMO saka itinakbo sa ospital.

Inaalam pa sa ginagawang imbestigayon ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang naging pinsala nito. Margie Bautista